Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce tumabla lang sa 34th

0 182

Sinara ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang laro sa one-over par 74 para sa three-day total 221 at tumabla sa pito para sa ika-34 na puwesto na may $1,443 (P68K) each sa wakas Linggo (Lunes sa ‘Pinas) ng 16th Symetra Tour 2021 eight leg, $200K (P9.6M) Mission Inn Resort and Club Championship sa MIRAC ng Howey-In-The-Hills sa Florida.

Pinagreynahan ni Taiwanese Min Lee ang three-day event via one stroke win sa 72-211 at inuwi ang $30K (P1.4M) laban kina American Savannah Vilaubi (69-212, $16,733) at Israeli Laetitia Beck (70-212, $16,733).

Ang dalawa pang pambato ng Pilipinas na sina Dottie Ardina (72-222, $1,189) at Bianca Isabel Pagdanganan (73-223, $1,048) nasa parehong may kasosyong tatlo para sa 41st at 45th spots, ayon sa pagkakasunod. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.