Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guce tumira ng 72 sa Arizona

0 164

Nagsumite si Clarissmon ‘Clariss’ Guce ng ever-par 72 upang sumosyo sa siyam na nasa ika-36 na katayuan sa 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classic opening sa Sewailo Golf Club sa Tucson, Arizona Huwebes (Biyernes sa Maynila).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaasam ng 30-anyos na Pinay na nakabase sa Estados Unidos na makabawi mula sa mga sablay sa finals ng $200K 1st Carlisle Arizona Golf Classic nitong March 18-21 at $150K 9th IOA Championship sa California noong Mar. 26-28.

May 6-under 66 si Yaeeun Hong ng South Korea para sa 1-stroke lead sa apat na magkakabuhol na mga humihinga sa batok niya. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.