Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guest of dishonor: UP Manila pinalagan pekeng cum laude

0 319

Pinaiimbestigahan ngayon ng Uni­versity of the Philippines (UP) ang isang babae na nagpanggap bilang Summa Cum Laude graduate mula UP Manila.

Kinilala ang bebot bilang si Kathleen Joy Poblete.

Nagsilbing guest speaker si Poblete sa 2021 graduation ceremony ng Ramona S. Tirona Memorial High School sa Das­mariñas City kung saan ipinakilala siya bilang Summa Cum Laude graduate ng Political Science program ng UP Manila at recipient umano ng Juris Doctor’s award at Best in Research award.

Sa isang pahayag ng Political Science program ng UP Manila, kinumpirma nila na wala silang estudyanteng nangan­galang “Kathleen Poblete.”

Wala ring College of Law sa naturang Unibersidad kaya hindi anila totoo na nag aaral ng pag-aabogasya si Poblete doon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The UP Manila Political Science Pro­gram categorically denies any affiliations with Ms. Poblete,” saad nila sa kanilang opisyal na pahayag.

“The Office of the University Registrar has no records of Ms. Poblete ever attend­ing the University,” pagpapatuloy pa nila.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen. Anila, malaking pambabastos ito sa Unibersidad maging sa kaguruan at mga estudyante nito.

Kasalukuyan nang pinaiimbestigahan ng nasabing pamantasan ang insidente. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.