Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guevara sa Sports Summit

0 198

Ilalahad ni swimming icon at Philippine Olympians Association president Gillian Akiko Thomson-Guevara ang papel ng POA sa sports sa bansa sa session 9 ng Philippine Sports Commission (PSC) National Sports Summit 2021ngayong Miyerkoles ng umaga.

Dedetalyihin ng three-time Olympian at eight-time Southeast Asian Games gold medalist ang mga hakbang POA na binuo noong 2002 para makatulong sa sports, sa mga beterano ng quadrennial sportsfest at mga kabataan. Nahalal siyang pangulo ng samahan noong 2015.

SM food to go Banner Ad

“Her stellar career as part of the Miracle of 1991 and as an Olympian, and further using her platform as the head of their organization will truly inspire our participants in the pursuit of improving Philippine sports,” sambit Martes ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Pinapalaganap ni Thomson-Guevara ang PH sports at Olympism nang mag-volunteer sa 2004 Athens Summer Olympics at national swimming team assistant coach sa 1997 Jakarta SEA Games at 2000 Sydney Olympics. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.