Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guevarra binara hirit na piyansa ni De Lima

0 97

Hindi puwedeng magpiyansa si Senador Leila de Lima sa mga kinakaharap niyang kaso na may kinalaman sa iligal na droga.

Sinabi ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Biyernes matapos na muling hilingin ng kampo ni De Lima sa korte na payagan itong magpoyansa bago ang kanyang ika-61 kaarawan sa Agosto 27.

Aniya, karapatan ng senador ito subalit tatlong kaso na may kinalaman sa iligal na droga ang kinakaharap ni De Lima na pawang hindi umano puwedeng piyansahan.

Base sa 138 pahinang motion for bail na may petsang Agosto 24, hiniling ng abogado ni De Lima na si Atty. Teddy Esteban Rigoroso na pansamantalang makalaya ito sa pamamagitan ng piyansa. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.