Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guevarra: BOC nalusutan sa ‘di rehistradong COVID-19 shot

0 345

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation na posibleng sa mga package itinago ang mga hindi rehistradong COVID-19 vaccine na hindi rin dumaan sa Bureau of Custom, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

“They might have been brought in convenient packages,” sabi ni Guevarra, “In a luggage, carry-on bag, etc. Maybe through a private flight too. But the NBI has not specified these.”

Ginawa ang imbestigasyon kasunod ng ulat ng hindi awtorisadong pagbakuna. Gayundin ang isyu ng pagturok nito sa ilang miyembro ng Presidential Security Group noong Setyembre at Oktubre 2020. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.