Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guevarra sa Kongreso: Batas vs red-tagging ipasa na

0 223

Nagpahayag suporta ang Department of Justice (DOJ) sa hakbang ng ilang mambabatas na magpasa ng batas laban sa red-tagging dahil sa dami ng reklamo na natatanggap ng kagawaran.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nakakabahala na ang dami ng mga reklamong kanilang natatanggap na mga inaakusahan na komunista.

Sa ngayon, ang mga biktima ng red-tagging ay maaari lamang magsampa ng mga kasong harassment, defamation, unjust vexation at paglabag sa batas sa privacy laban sa mga nag-aakusa sa kanila.

SM food to go Banner Ad

“In the past few months, medyo sunod-sunod `yong mga reklamo about red-tagging. People have raised their voice against it so might as well have one (red-tagging law),” ayon kay Guevarra.

Ipinahayag ito ng kalihim kaugnay ng isinampang Senate Bill No. 2121 ni Senate Minority Leader Frank DriLon laban sa red-tagging.

Nabatid pa na naghain na rin ng isang resolusyon si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez para himukin ang National Bureau of Investigation (NBI) at Commission on Human Rights(CHR) na magsagawa ng imbestigasyon sa mga reklamo ng red-tagging.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.