Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guevarra: Swab test `di puwedeng ipilit

0 213

Hindi umano puwede na gawing mandatory ang swab testing lalo na kung walang patunay na nalantad ito sa isang pasyente na may COVID-19.

Ito ang pinaalala ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, miyembro rin ng National Task Force on COVID-19, kay Navotas City Mayor Toby Tiangco matapos umanong ihayag ng alkalde na gagawin nitong mandatory ang swab test sa kanilang mga mamamayan partikular na ang mga tricycle at jeepney driver, mga tinder sa palengke, at mga nasa serbisyo sa pagkain.

“As a general rule, a person cannot be compelled to take a swab test, even if it’s for free, if said person has not been exposed to a COVID-positive person and does not exhibit any symptoms of the disease,” ani Guevarra.

SM food to go Banner Ad

Nalaman na nadismaya kasi si Tiangco sa maliit na bilang ng mga boluntaryong nagpapasailalim sa programa ng swab test ng kanilang lungsod kahit na libre pa ito.

Sinabi ni Guevarra na sa halip na pagbantaan ang mga mamamayan kapag sila ay tumanggi mas mainam na kausapin ng mahinahon ang tao.

Kinakailangan umano na mga medical professional ang magpaliwanag ng bentahe nito sa publiko dahil mas alam nila kung sino ang dapat na suriin.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.