Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guiao ayaw sa bubble

0 82

Pinag-aaralan pa ng PBA ang magiging setup ng susunod na 46th season na ibabatay sa sitwasyon ng bansa kaugnay sa coronavirus pandemic bago ang projected opening sa April 9.

Dalawa ang pinagpipilian ng liga – bubble o closed circuit.

Nagtayo ng bubble ang PBA sa Pampanga para tapusin ang nag-iisang conference ng nagdaang 45th season, ang Philippine Cup na pinagharian ng Ginebra. Tumagal ng 72 days ang delegasyon sa Quest Hotel sa Clark, naglaro sa kalapit na Angeles University Foundation sa Angeles City.

Sa closed circuit setup, home-venue-home lang ang players. Anumang aktibidad sa labas nito ay kailangang i-log para mabantayan.

Related Posts

Para kay NLEX coach Yeng Guiao, mas praktikal ang closed circuit concept na tulad din sa ginagamit ng NBA nang magsimula ang liga nitong Dec. 22. (Vladi Eduarte)

“Kasi ‘yung last conference, bubble model, I think it came to that because we found the NBA model was successful,” rason ni Guiao patungkol sa NBA bubble sa Orlando na sinundan ng PBA sa Clark.

“So parang instead of mag-experiment pa tayo or re-invent natin ‘yung wheel, ‘ika nga, we will just be looking at how the NBA does it.”

Home-and-away pa rin ang mga laro sa NBA, pero limitado ang tao sa loob ng venue. Restricted din ang galaw ng players at coaches sa bahay, hotel (sa out-of-town games) at sa practice at playing venues.

“I think the same thing will happen for our April tournament,” dagdag ni Guiao. “Kasi ‘yung NBA hindi na sila magba-bubble, parang ano nila is closed circuit with limited audience, limited contacts of players but they are not going to be housed in a common area.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.