Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guiao kinontra ang IATF

0 359

May punto nga naman ang puna ni NLEX head coach Yeng Guiao tungkol sa pagbabawal ng IATF sa mga senior citizen na lumabas ng kani-kanilang mga bahay habang naka-quarantine ang bansa dahil sa COVID-19.

Ayon kasi sa IATF at mga datos ng DOH at WHO, pinakatinatamaan ang mga taong 60 anyos o pataas ang edad pagdating sa coronavirus disease.

Karamihan sa mga naging biktima ng Covid-19 at mga namatay na mula nang magsimula ang pandemic na ito ay senior citizens.

Kaya pinagbabawal sa bansa ang paglabas nila sa kani-kanilang mga tirahan, bukod na lang sa medical emergencies.

Pero ayon kay Guiao na isa sa apat na head coach sa PBA na may edad 60 pataas, marami sa mga senior citizen ng bansa ang mas malusog pa kaysa sa mga hindi pa senior citizen. At marami ring wala pang 60 ang edad ang mas may mga sakit o underlying healthy conditions (tulad ng diabetes, hypertension at iba ba), kaysa sa mga senior citizen.

So para kay Guiao, parang hindi tama ang pagbawal sa kanilang mga senior citizen na lumabas sa mga lansangan dahil sa banta ng pandemiya.

Bukod kay Guiao na 61 na, ang iba pang senior citizens na mga head coach sa PBA sa kasalukuyan ay sina Tim Cone (62) ng Barangay Ginebra, Norman Black (62) ng Meralco at Leo Austria (62) ng San Miguel Beer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.