Abante Tonite Interactive

Guiao kuntento sa kondisyon ni Blatche

283

Kuntento si coach Yeng Guiao sa nakita niyang kondisyon ni Andray Blatche pagdating ng naturalized player sa shootaround sa Meralco Gym Sabado ng umaga.

Biyernes ng gabi dumating ng bansa si Blatche.

“I think he’s in decent shape, just by looking at him,” ani Guiao.

Abante Hiring – IT dep

Sa unang pagkakataon, natutukan ni Guiao kung paano humawak ng bola si Blatche, gagamitin ng Team Pilipinas bilang naturalized player­ sa final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Feb. 21 (vs. Qatar) at Feb. 24 (vs. Kazakhstan).

“Tailor made for the system that we run,” ani Guiao sa nakitang skills ni Blatche.

Susulitin ni Guiao ang 10 araw na ilalagi rito ni Blatche bago bumalik ng China sa Feb. 10 para tapusin ang commitment sa team niya sa CBA.

Kapag hindi nage-ensayo sa Team Pilipinas ng Lunes at Huwebes, ipapasabay ni Guiao si Blatche sa praktis ng NLEX.
Kinuha muli si Blatche para mag-collapse sa kanya ang double-team sa loob, mabibigyan naman ng opening ang iba lalo sa labas.

Naniniwala si Guiao na walang pantapat ang Qatar at Kazakhstan kay Blatche nang one-on-one.
“On the defensive end, he’s going to be our rim protector,” dagdag ni Guiao.