Abante Tonite Interactive

Guiao may panopla kay Haddadi ng Iran, babarahan!

By
0 1,655

Bago tumulak papuntang Tehran kagabi, may maiksi pero malinaw na mensahe si coach Yeng Guiao sa kanyang Team Pilipinas.

“This is the grind now, be mentally prepared, physically prepared for the game against Iran,” anang NLEX coach. “Handa n’yo mga sarili n’yo.”

Haharapin ng Pilipinas ang Iran sa Setyembre. 13 sa Azady Gym sa Tehran sa umpisa ng second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Abante Hiring – IT dep

Bitbit ni Guiao ang buong 16-man pool na binuo niya, tatapyasin sa final 12 bago ang game.

Isa sa pinakamalaking problema ng Pilipinas sa Asian powerhouse team ang dambuhalang bete­ranong si ex-NBA player Hammad Haddadi na kahit edad 33 na ay nagpapa­sakit pa rin ng ulo ng mga katapat.

Isa si 7-foot-2 Haddadi sa pangunahing dahilan kaya undefeated ang Iran sa first window.

Kakayanin ng Natio­nals na tapatan si Haddadi, lalo kung 100 percent na si Greg Slaughter.

Sa huling mga araw ng ensayo ng Team Pilipinas, nasa sidelines lang ang 7-foot slot man ng Ginebra, naka-braces ang kaliwang paa nang mapasama ang bagsak sa huling laro kontra NorthPort sa PBA Governors’ Cup noong Miyerkoles.

“We worry a lot about Haddadi because of his size, his experience. And he’s very intelligent,” lahad ni Guiao.

Bukod sa higanteng sentro, markado rin ng scouts ni Guiao ang guards ng Iran na sina Nikkhah Bahrami at Arsalan Kazemi na bukod sa malalaki ay mabibilis din. Si Bahrami ay nakalistang 6-foot-6, mas mataas ng isang pulgada si Kazemi.