Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guiao, mga senior puwede sa training

0 330

Klinaro ng Games and Amusements Board (GAB) na maaari nang sumama sa team training ang mga coach at staff na nasa edad 60 pataas.

Nauna rito, sa nakaraang Joint Administrative Order (JAO) ng GAB, Philippine Sports Commission at Department of Health ay pinagbabawalan munang magpartisipa sa team practice ang mga senior citizen na coach.

SM food to go Banner Ad

Pero biglang kumambyo si GAB chairman Baham Mitra, nilinaw lang na dapat sumailalim sa swab testing at magpasa ng medical certificate.

Ang mga PBA coach na nasa edad 60 pataas na ay sina Yeng Guiao [61], Tim Cone [62], Leo Austria [62] at Norman Black [62]. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.