Abante Tonite Interactive

Guiao, NLEX ‘di dinadaga kahit kritikal

179

Hangad ng Alaska Milk ang manatili sa kinakapitang ikaanim na puwesto at posible pang Top 2 finish sa susunod na labanan sa pagsagupa sa nanganganib mapatalsik na NLEX sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2019 PBA Philippine Cup Miyerkoles ng alas-siyete gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Una munang magsasagupa ang nagpapamalas ng tibay na pumapangsiyam na Magnolia Hotshots (2-4) at papaangat, nasa ikapitong Columbian Dyip (4-5) sa ganap na alas-4:30 ng hapon.

Kapwa galing sa masasaklap na kabiguan ang Aces na nadomina sa huli nitong laro kontra 2018 Governors Cup champion Hotshots (103-86), habang ang Road Warriors na nalasap ang matinding puwersa ng apat na beses na nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer (121-111).

Ang kabiguan ay naghulog sa ikaa­nim na puwesto sa Aces tangan ang 3-3 panalo-talong kartada habang ang Road Warriors ay naitulak sa ika-11 puwesto sa 2-5 at do-or-die na sa nalalabing apat na asignatura.

Gayunman, umaasa pa rin ang Team Pilipinas at Road warriors coach na si Joseller ‘Yeng’ Guiao na makakahatak ito ng krusyal na panalo sa natitirang apat para makahabol sa quarterfinals.