Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guiao pinapaluwag ang bubble

0 74

MASISIRA ULO NG MGA PLAYER, COACH

Malaking isyu ang posibilidad na magtamo ng mental health problem at pagkainip ang mga manlalaro kung isasagawa ang isang buong komperensiya ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020-21 sa loob ng konsepto ng Bubble.

Ito ang ibinulalas ni Joseller ‘Yeng’ Guiao, na umaasa sa isang maigsi lang na torneo ang nararapat kung tuluyang magba-bubble concept sakaling payagan ang PBA ng pamahalaan na muling makapaglaro sa naudlot na liga nitong Marso.

“Ang hirap ‘pag ‘di iko-compress,” giit ng NLEX Road Warriors coach, habang naniniwala sa posibilidad na magka-mental health issue sa pagbabalik ng lahat sa paglalaro habang nakalagay lang sa isang kapaligiran na malayo sa pamilya.

“You have to be in a bubble for three to four months? Masisiraan ng ulo mga player, lalo na ‘yung coaches. I think there’s gonna be a mental health issue kung masyadong matagal.”

Isa sa posibleng pagsagawaan ng bubble play na ipinunto ni Guiao ay ang Smart Araneta Coliseum habang ang 12 koponan ay nakalagak sa mga kalapit na hotel.

“From the hotel, we can go to our own practice venues. May sariling bus, our own transportation going to practice, then balik sa hotel, tulog don, then laro sa Araneta. That’s still considered a bubble,” sabi ni Guiao. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.