Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guiao pinarerebyu salary cap sa PBA

0 182

PABOR si NLEX Road Warriors coach Yeng Guiao sa unrestricted free agency sa PBA bagaman naniniwala ito na isang paraan para maayos itong maipatupad ay pagbabago sa salary cap para sa pagbabalanse ng mga koponan pati na rin sa mga manlalaro.

Ipinaliwanag ni Guiao na ang mahigpit na pagsunod sa salary cap ng manlalaro ay makabuluhan upang talagang mai-level ang playing field sa liga.

“Ang mangyayari diyan is to adjust the salary cap or take it out totally,” sabi ni Guaio sa bago pa at nasa maagang yugto ng implementasyon ng bagong panuntunang pinagtibay ng liga simula ngayong taon.

Itinuro agad ni Guiao ang isang malaking depekto sa pagpapatupad nito kung saan pinapaboran ang mga koponan na may mas maraming mapagkukunan pangsahod sa mga player at nakakapekto sa pagkakapantay-pantay sa 12 mga miyembrong koponan.

“Nakikita na natin ngayon pa lang that the balance is tilting towards the more capable teams financially,” sabi ntio. .

Sa ngayon ay tatlong manlalaro na ang gumamit ng kanilang karapatan bilang unrestricted free agents na napunta sa powerhouse team na San Miguel, Barangay Ginebra, at TNT.

Matatandaan na agad na pumirma ng kontrata si Rodney Brondial ng Alaska na napunta sa Beermen, si John Pinto ng Meralco tungo sa Ginebra at noong Biyernes si Matt Ganuelas-Rosser sa Tropang Giga. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.