Abante Tonite Interactive

Guiao sinasagad si Blatche

281

Sinusulit ang pana­natili sa bansa ni Andray Blatche, kahit weekend ay nag-ensayo ang Team Pilipinas para mas magamay ng natura­lized player ang sistema ng team at ni coach Yeng Guiao.

Sabado at Linggo ay may praktis ang Natio­nals sa Meralco Gym.

Kahit hindi kumpleto ang team, basta may lima ay larga ang ensayo.

Abante Hiring – IT dep

“On Saturday, what we’ll try to do is put together five or six guys, kahit ‘di kami makabuo ng buong team,” pahayag­ ni Guiao. “Gusto lang namin may at least lima para maitakbo namin ‘yung mga play maski 5-and-0 drills lang.”

Linggo ng umaga ay ganito rin ang gagawin bago bumalik si Blatche sa China para tapusin ang ilang commitments doon.

Sa Qatar na sasamahan ni Blatche ang Nationals bago ang laban kontra Qatar sa Feb. 21 sa final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qua­lifiers. Isusunod ng ­Filipinos ang Kazakhs­tan sa Feb. 24.
Krusyal ang huling dalawang laro ng Pilipinas, kailangang maipanalo para magkaroon ng tsansa na humabol sa World Cup sa China sa August.

Nakukulangan si Guiao sa araw ng preparasyon, pakiramdam daw niya ay bitin pa rin kahit bigyan sila ng isang buwan.

Punto ni Guiao, nalilito ang players niya dahil kailangang pagsabayin nilang aralin ang sistema ng National­ team at ng kanilang mother teams sa PBA.