Abante Tonite Interactive

Guidance counseling mas epektibo sa mga bata – Gatchalian

By
111

Pinuna ni Senador Sherwin Gatcha­lian ang kakulangan ng mga guidance counselor na siyang aalalay sana sa mga bata para makaiwas sa paggawa ng krimen.

Inihayag ito ng senador sa harap ng kontrobersiyal na usapin sa panukalang gawing 12-anyos ang edad ng mga batang puwedeng panagutin sa krimen.

Dahil dito, iminungkahi ni Gatcha­lian ang pag-amyenda sa Guidance and Counseling Act of 2004 upang madagdagan ang bilang ng mga guidance councilor sa bansa at matugunan ang pangangailangan para sa mga children-at-risk o CARs.

Naniniwala si Gatchalian na ang pagpapaigting ng counseling sa mga eskuwelahan ang pinakamainam na paraan sa pagbibigay ng intervention program para sa mga batang nasasangkot sa krimen o nasa panganib kaysa pagbababa sa minimum age ng criminal liability.