Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guide workout sakto – Marcial

0 205

July 11 nagkaroon ng meeting ang PBA Board at naplantsa ang guidelines sa pagbabalik-workout ng players.

Kasama na rito ang approval ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa pagpapawis, pero bago masimulan ay kailangan munang makarating sa liga ang black-and-white ng joint administrative order ng GAB, DOH, PSC at IATF.

Nasa meeting na ‘yun si Blackwater governor Silliman Sy.

Sa parehong araw, binanggit ni Elite owner Dioceldo Sy na nag-ensayo na ang players, bagay na inalmahan ng GAB. Violation anila ito sa direktiba na bawal pa ang contact o scrimmages.

Ayon sa isang team representative, posibleng hindi pa nasabi ni Silliman sa kanyang kapatid ang napag-usapan sa Board meeting ‘nung magsalita ang owner.

“I don’t think governor Silliman was able to relay to his brother the details of what we’ve discussed that same day,” anang governor na hindi nagpabanggit ng pangalan.

“Natiyempo o namali lang talaga ng tiyempo. Kasi, I think, nahuli dating ng info, ‘nung details discussed in the meeting, kay Dioceldo.”

Pinagmulta ni commissioner Willie Marcial ang Elite ng P100,000 dahil doon. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.