Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guideline sa pagbakuna ng mga bata pinaplantsa

0 162

Isinasapinal na ng Department of Health (DOH) ang guidelines para sa pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 laban sa COVID-19.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na ginagawa na ang mga hakbang para sa implementasyon ng pagbakuna sa mga bata.

“Nakipagtalastasan na tayo sa ating mga eksperto, pina-finalize na po natin. Baka ang gagawin ay specific site lang for the 5-11 [years old].”

SM food to go Banner Ad

Gayunman, hindi masabi ng opisyal kung kailan ang eksaktong petsa na sisimulan ang pagbabakuna sa nasabing age group.

Naunang inihayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na darating sa katapusan ng buwan ang mga COVID-19 vaccine para sa mga batang 5 hanggang 11 anyos.

Para naman sa mga sanggol hanggang 4 taong gulang, sinabi ni Cabotaje na posibleng mailarga ang bakuna sa Abril o Mayo kung mayroon nang bakuna para sa mga ito. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.