Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guido hari ng Splendido golf

0 72

Sinalpak ni Guido Van Der Valk ng Netherlands ang ‘di malamang kung saang galing na birdie sa 72nd hole para para tablahan at daigin si 2016 Rio de Janeiro Olympian Miguel Luis Tabuena sa sudden death upang pagharian ang ICTSI Splendido Taal Championship sa Laurel, Batangas Biyernes ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Bago ang pasabog na iyon umahon ang Manila-based Dutch sa 2-down kay 2-up Clyde Mondilla, pero naglaho ang dalawang palong bentahe sa huling bahaging pasiklab ni Tabuena na may dalawang eagle pa-64.

Pero may kagila-gilalas si Van der Valk sa putt sa No. 18 para sa 68 tungo sa 16-under 22 at playoff kung saan nakahulagpos at isubi ang P360K kumpara sa P236K ni Tabuena. Tumersera si Clyde Mondilla sa 74-276 na may P106K. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.