Abante Tonite Interactive

Guji Lorenzana tatay na

449

Isa nang ganap na ama ang singer-actor na si Guji Lorenzana.

Pinangalanang Cassidy ang bago nilang baby ng kanyang wife na si Cheska Nolasco (isang interior designer).

Matapos ang break-up noon nina Guji at Kaye Abad (na may asawa’t anak na rin), in-encourage ang singer-actor ng kanyang mga kaibigan na subukan ang mobile app na Tinder para makakilala siya ng ibang babae. Since he was single at wala naman umanong mawawala, he tried it at sa kanyang first swipe ay agad niyang nakilala ang misis niya ngayon.

Matapos ang ilang palitan ng messages, niyaya ni Guji si Cheska na manood ng “Wicked’ play. At first ay hesitant umanong sumama si Cheska kay Guji pero ito’y nakumbinse rin niya. ‘Yun din bale ang kanilang first date na nasundan pa ng marami bago sila naging official couple nu’ng April 21, 2014. Ikinasal naman ang dalawa nu’ng February 28, 2016.

Kumpleto na ngayon ang selebrasyon ng mag-asawang Guji at Cheska ng Pasko at Bagong Taon dahil meron na silang anak.

Arnell nagpakita ng kalbong ulo

Matagal-tagal na ring panahong hindi umaarte sa telebisyon at pelikula si Arnell Ignacio.

Although mahal ni Arnell ang kanyang trabaho sa OWWA, nag-resign siya sa nasabing government agency. Pamilya umano ang kanyang nasakripisyo noon lalo na ang kanyang kaisa-isang anak na si Sofia. Maging ang mga negosyo, singing and hosting career ay napabayaan din niya.

Ngayong balik siya sa kanyang showbiz career, dumating naman ang offer para sa mapaghamong papel sa “Damaso” movie.

Magbubukas na sa mga sinehan simula ngayong Miyerkoles, November 20. Ito ay mula sa pamamahala ng writer-director na si Joven Tan.

Samantala, nang dahil sa pelikulang “Damaso” ay pumayag si Arnell na tanggalin ang kanyang wig. Ipinakita niya ang kanyang kalbong ulo.

“Hindi alam ng marami na wig lamang ang gamit ko,” natatawa niyang kuwento.

Marco-Juliana split up ilalantad na ang dahilan

Tunghayan ang “Celebrity Talk” online show ng Abante Tonite na mapapanood sa website, Facebook page at YouTube channel .May eksklusibong panayam sa 18-year-old ex-PBB housemate-turned actor, ang Fil-Italian na si Marco Gallo.

Bakit nga ba ito kumalas sa pamamahala ng Star Magic at lumipat sa pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA)? Bakit sila nagkahiwalay ng kaisa-isang anak ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana Gomez? Bakit agad nabuwag ang love team nila ni Kisses Delavin? Ang mga ito ay isa-isang sasagutin ni Marco sa “Celebrity Talk” na inyong matutunghayan bukas, Lunes, November 18 sa ganap na alas-12:00 ng tanghali.