Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gulay isasama sa price freeze

0 338

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na isasama na nila ang gulay sa mga bilihing bawal taasan ang presyo matapos ideklara ang state of calamity sa Luzon.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, toka ng DA na ipatupad ang price freeze sa mga agricultural commodity tulad ng isda, baboy, manok, asukal, itlog at cooking oil, sa tulong ng mga local price coordinating council.

Sagot naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapatupad ng price freeze sa mga delatang sardinas, instant noodles, at iba pa.

Bawal itaas ang presyo ng bangus ng mas mahal pa sa P169/kilo, tilapia ng P120/kilo, imported galunggong ng P180/kilo, local galunggong ng P140/kilo, pigue/kasim ng P260/kilo, liempo ng P280/kilo, manok ng P130/kilo, asukal na puti ng P50/kilo, asukal na pula ng P45/kilo, sibuyas na pula ng P100/kilo, imported bawang ng P100/kilo, mantika ng P50/litro, medium na itlog na P6.50 ang isa.

“Madadagdagan pa `yan ng mga gulay,” sabi ni Reyes. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.