Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gulo sa POC board meeting

0 57

Inaasahang magpapatuloy ang matinding diskusyon sa isyu ukol sa age limit ng kandidato at pagbawas ng posisyon sa Executive Board sa Philippine Olympic Committee (POC) virtual executive council meeting ngayong Sabado ng umaga.

Ilang araw pa bago ang pulong na itinakda ni POC president Abraham Tolentino, mainitan na ang mga pahayag ng dalawang nag-uumpugang grupo sa pribadong asosasyon.

Inatasan ni Tolentino si POC secretary general Edwin Gastanes na ipaalam sa lahat ang pulong, kasama ang 14 na mga bumubuo sa POC Executive Board.

Ang International Olympic Committee (IOC) ang nag-atas kay Tolentino na rebisahin ang POC constitution and by laws noong Agosto. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.