Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gulo sa purnadang Duterte-Carpio debate pinakikinabangan ng China

0 321

Hinikayat ni Senador Kiko Pangilinan ang publiko na tigilan na ang pagtatalo tungkol sa nakanselang debate nina Pangulong Rodrigo Duterte at retired Supreme Court justice Antonio Carpio dahil ang China lang aniya ang may mapapala rito.

“Basta sa akin, sa gulong ito, ang China ang nakikinabang. So hindi dapat ganon. Dapat unahin natin interes ng ating bansa. Hindi tayo dapat napupunta sa usapan ng debate,” ayon sa senador.

“Dahil ang China ang ating katunggali, hindi ang kapwa Pilipino.”

Umatras si Duterte sa debate kay Carpio matapos kumasa ang huli sa hamon nito. Sa halip, itinalaga ng nauna ang kanyang tagapagsalita na si Harry Roque para humarap sa dating mahistrado. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.