Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gulo sa weightlifting

0 104

Pinarating na rin ng Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) ang kawalang eleksiyon nila sapul noong 2016 sa nakabase sa Doha, Qatar na Asian Weightlifting Federation (AWF).

Sinulatan kamakailan ni PWAI board member Felix Tiukinhoy Jr. sina AWF officials, president Mohammded Yousuf Almana at secretary general Boossaba Yodbangtoey.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Pangulo rin ng Cebu Weightlifting Association, Inc. (CWAI), ipinahayag ng Cebu City-based na si Tiukinhoy na nagkaloko-loko ang PWAI nang biglang umalis ng Pilipinas at manirahan na sa Estados Unidos ang dating pangulo na si Roger Dullano, at basta na lang ipinagpatuloy ng dating pangulong si Monico Puentevella ang pag-aktong presidente nang walang pagpupulong o halalan base sa batas ng PWAI.

“I am sincerely looking forward to your positive remark on this regard and may all the good forces be with as to uplift our beloved sport weightlifting,” anang opisyal ng PWAI, na commissioner di n ng Cebu Sports Foundation (Cesafi) sa dalawang pahinang liham.

Nabuo sa CWAI, karamiha’y bahagi rin ng PWAI sina Cong. Rufus Rodriguez (chairman), Jude Harry del Rio (vice president), Judith Sadje Sulla (secretary general), Edwin Nacua (treasurer), Danilo Catingub (auditor), Juan Maraat (PRO), Eliseo Dildig (project director), Dean Baldomero Estenzo (legal adviser), at Hidilyn Diaz (program ambassador).

Leave A Reply

Your email address will not be published.