Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gulong ng kotse nabutas sa pustiso, viral!

0 368

“Kung sino man ang may-ari ng pustiso na nakabutas sa gulong ko, pm lang please para maisauli ko.”

Ito ang biro ng netizen na si Leo Padilla-Ricarte, mula sa Iligan City, Lanao del Norte, matapos mabutas ang gulong ng sasakyan niya nang matusok ng pustiso noong Lunes, Abril 12.

Ayon kay Ricarte, pauwi na siya nang mapansin sa side mirror ang kulay orange na bagay na nakadikit sa gulong niya.

Pagbaba ay napansin niya na isa palang pustiso ang nakabaon sa gulong.

Pagtanggal niya rito ay nabutas na ang kanyang gulong.

Viral ang Facebook post niya, na may mahigit 6,000 reactions at 11,000 shares na. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.