Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gumabao balik workout

0 386

Makaraan ang may dalawang buwang paglarage sa pagtulong sa Luzon habang lockdown dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 pandemic, balik naman sa pag-aalaga ng katawan at pagpapakondisyon si beauty queen at Premier Volleyball League (PVL) star Michele Gumabao.

Ito ang pinahayag ng Creamline Cool Smashers opposite hitter noong Lunes ng gabi sa kanyang Instagram account kasabay sa pagpapakita ng ng abs bilang paghahanda sa posibilidad na pagbabalik ng liga.

“Took quite a break from everything for May and June and now we are back to killer workouts and eating healthy for the past 5 days of July. Know your body, love it and put in the work ” anang beteranang balibolista sa gumabaomichele.

Napigil ang mga aktibidad ni Gumabao sa pagsali sa mga patimpalak ng kagandahan at sa sport sa bansa dahil sa pandemiya kaya sinamantala ang pagtulong sa mga nangangailangan bago angpasabi na asam na muling makita ang pisikal niyang pigura sa tamang porma. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.