Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gumabao hinimok mga bata sa sports

0 92

Puno ng inspirasyon at motibasyon ang mensahe ni Premier Volleyball League (PVL) star Michele Theresa Gumabao para itaguyod ang sports ng mga kabataan ngayon.

Sa Instagram video post nitong Biyernes ng Miss Universe 2020 candidate, ibinahagi ng Creamline Cool Smashers opposite hitter, ang kanyang kwento sa sports at pinayuhan ang mga kabataan na mag-sport din.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Background sa video ang pinasalamtan niya sa pagkahilig din sa sports at ginamit ito para baguhin ang mundo nilang sina Philippine Basketball Association (PBA) star Calvin Abueva, two-time Southeast Asian Games triathlon champion Nikko Bryan Huelgas at PVL beach volleyball star Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina.

“Together we will inspire and empower our youth! Sports teaches all of us to fight and to rise above any situation. It give us the opportunity to be better, for ourselves, our families and our country,” punto ng 28-year-old, 5-foot-10 Fil-Am volleybelle.

“By sharing these stories I hope we can inspire children to fight for their dreams and never give up because through sports, we can overcome hunger, depression and poverty. We are here today because our dreams are much bigger than all our excuses,” hirit pa ng dalaga na isinilang sa San Mateo, California at residente sa kasalukuyan sa Quezon City. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.