Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gumabao kabogera sa Ms PH U

0 262

Nangingibabaw at hindi papakabog ang taglay na kaseksihan ni Premier Volleyball League (PVL) star Michele Gumabao na kalahok sa Miss Universe 2020 Philippines.

Puspusan na ang paghahanda ng Creamline Cool Smashers team skipper para sa beauty pageant na gaganapin sa Oktubre 25.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kanyang social media accounts nitong Lunes, ipinasilip ng 28 taong-gulang, may 5-10 ang taas na Fil-Am suot ang swimsuit at ipinaliwanag ang kahalagahan ng swimsuit competition sa mga pageant.

“The reason why the swimsuit competition is important in any beauty pageant is because if you are able to look beyond the physical you will see a confident, empowered woman who loves her body and is not afraid to show who she really is,” anang dalagang tubong San Jose, California pero residente na sa Quezon City. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.