Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gumabao wapakels sa pandemya, tuloy ayuda

0 348

Pinatunayan ng mga elite athlete ng bansa, lalo ng mga volleybelle na hindi lamang sa court sila maaasahan, kundi pa ti na rin ang pagtulong sa kanilang kapwa sa oras ng pangangailangan.

Isang taon nang sumailalim sa lockdown ang bansa nitong Lunes, lumutang ang mga atleta na umayuda sa mga frontliner at nangangailangang komunidad na lubos na naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019.

Isa sa mga umaksyon upang maghandog ng tulong si Premier Volleyball League (PVL) star Michele Therese Gumabao ng Creamline.

Noong nakaraang taon, inilunsad ng 28 taong-gulang na dalaga at residente ng Quezon City, ang Your P200 fundraising drive na naghandog ng relief packs, toiletry bags, face masks at iba pa para sa mga barangay dagdag pa ang feeding programs.

Hindi man nakahampas ng bola ng isang taon, palo naman sa pagtulong sa kanyang kapwa ang beauty queen volleybelle. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.