Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gumabao pinainit ang Baguio

0 150

PINAINIT ni Premier Volleyball League (PVL) star Michele Therese Gumabao ang malamig na klima ng Baguio nang magbilad ng mala-kartada 10 niyang awra.

Sa Instagram account nitong Lunes ng Creamline Cool Smashers opposite hitter, ipinasilip ng 28-anyos at may 5-10 na taas na dalaga ang kanyang seksing kurba habang suot ang pulang bathing suit.

“Baguio… but make it summer,” caption ng Fil-Am na residente na ng Quezon City at pambato ng nasabing lungsod sa 1st Miss Universe Philippines 2020 beauty pageant sa October 25.

Habang wala pang volleyball tournament, nakipagsapalaran sa ibang ‘bubble’ ang beteranang kung saan sa ngayon ay nasa ‘Summer Capital’ para sa isang kodakan. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.