Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gumabao sasabak sa party-list

0 82

Naghain ng certification of nomination and acceptance (CONA) para sa Mothers for Change (MOCHA) party-list si Premier Volleyball League star Michele Theresa Gumabao kasama si OWWA Deputy Administrator Mocha Uson, Biyernes.

Tatakbo si Unson bilang first nominee ng MOCHA party-list habang second nominee ang 29-year-old athlete-beauty queen na tubong California pero Quezon City resident na at huling naglaro sa Creamline.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa si Gumabao sa ilang mga sports personality na tatakbo para sa 2022 national elections.

Gayundin ang humabol sa deadline ng certificate of candidacy sa Commission on Election si Philippine Basketball Association legend Philip Cezar sa dati niyang tungkuling bilang San Juan City vice mayor. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.