Abante Tonite Interactive

Gumabao swak sa Miss Universe Philippines 2020

453

Pasok sa lista­han ng Miss Universe Philippines 2020 candidates si volleyball star Michele Gumabao.

Katapusan ng Enero ngayon taon, nag-apply si Gumabao sa kilalang pageant at hangad niya ang first ever Miss Universe Philippines.

Sa kanyang Instagram post suot ang kanyang red long gown, sinabi ng balibolista na: “An official candidate for the First Miss Universe Philippines 2020 representing QUEZON CITY! Embarking on a new journey and we are ready I want to say thank you, you all know who you are!”

Taong 2018, nasungkit ni Gumabao ang korona sa Bini­bining Pilipinas Miss Globe.

Nakatakdang ganapin ang coronation night sa Mayo 3 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay makaaraang ianunsiyo nitong Pebrero 16 ang mga pumasa sa screening, kabilang si Gumabao. (JAT)