Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gumabao, Teng pinarangalan

0 185

Napabilang sa mga kinilala sa 7th One La Salle Night of Excellence sina former DLSU Lady Spiker Michele Therese Gumabao at dating Green Archer Jeron Teng na ginawaran ng DLSAA Lasallian Sports Achievement award.

May apat na taong lumaro sa Lady Spikers si Gumabao na kumpo ng tatlong UAAP championship, dalawang Best Blocker at isang Finals MVP.

“Thankful to be receiving the DLSAA Sports Achievement Award 4 Years representing my Alma Mater will always be in my heart. Congratulations to all the awardees! Animo,” sey sa Instagram post ni Gumabao Biyernes na kumakapanya na sa Creamline sa PVL.

SM food to go Banner Ad

Nakadalawang titulo naman si Teng sa liga rin at nag-two-time Finals MVP, four-time Mythical Five at Rookie of the Year.

Awardees din sina volleybelle Melissa Gohing-Nacino, Jacqueline Alarca, Stephanie Mercado-de Koenig, Joseph Evans ‘Jvee’ Casio at iba pa. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.