Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gumabao umayuda sa mga nasunugan

0 181

Pinangunahan nina coach Bong Ravena at active consultant Mark Dickel ang outreach program ng TNT sa mga biktima ng sunog sa Mandaluyong kamakailan.

Sanib-puwersa ang TNT at PLDT-Smart Foundation sa pagbibigay ng ayuda sa mga nasunugan.

Kasama sa nag-abot ng ayuda sina team manager Gabby Cui, assistant Miguel Fernandez, Jjay Alejandro, Gryann Mendoza at rookie Kib Montalbo.

“We hope that through this relief effort, we are able to bring some joy and comfort to the families whose lives are forever changed by this tragedy,” ani Cui kahapon.

Tumulong din ang Your 200 Pesos na pinangungunahan ni volleyball star at beauty queen Michele Gumabao. Layon ng grupo na mamigay ng ayudang pagkain sa mga pamilyang apektado ng coronavirus pandemic.

Nasa 200 kabahayan sa Correctional Road malapit sa Nueve de Febrero sa Addition Hills, Mandaluyong ang naapektuhan ng sunog.

Nag-abot ang KaTropa ng financial assistance sa mga biktima at tumulong sa pamimigay ng hot meals at grocery packs sa mga nasunugan na pansamantalang tumuloy sa Nuever de Febrero Elementary School. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.