Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gumala, bebot dinampot sa curfew

0 146

Hindi lang paglabag sa curfew ang ipinataw sa isang 32-anyos na babae kundi paglabag din sa illegal na droga matapos mahulihan na may dalang shabu nang hulihin dahil sa paglabas ng dis-oras ng gabi, kamakalawa sa Barangay San Perfecto, San Juan City.

Arestado si Adeline Aguha y Albeza matapos hulihin ng mga tauhan ng Sub-Station 7 dahil sa paggala sa N. Domingo St., cor. Araneta Blvd., Barangay San Perfecto bandang alas-11:00 Martes ng gabi.

Nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Sub Station 7 kaugnay sa Enhanced Community Quarantine Checkpoints at Anti-Criminality operations nang mamataan ang suspek.

Nang kapkapan, nakita ang dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Nakakulong ngayon ang suspek at nahaharap sa kaso. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.