Abante Tonite Interactive

Gumawa ng extrajudicial settlement of estate

332

Dear Atty. Claire,
Sana po ay matulu-ngan mo kami sa problema namin about sa lupa na binili sa amin ng pinsan ko sa father side.

Hindi po tumupad sa pangako ang pinsan ko na babyran kami. Ang problema napapirma kami 2 ng nanay ko sa Deed of Sale.

Pero hind nakapirma at wala alam sa bentahan ang panganay na kapatid ko.

Ang title po ay sa nanay at tatay ko. Patay na ang tatay ko at 2 lang kami magkapatid. 1.9 hec. po iyon. Sna aang matulungan mo kami.
Salamat po,
April

Miss April,
Kung ang titulo ay nakapangalan sa nanay at tatay mo ay kailangan na gumawa muna kayo ng Extrajudicial Settlement of Estate bago mailipat iyan sa pangalan ng napagbentahan ninyo. Sa aking palagay ay hindi pa ninyo ito nagawa kaya’t mahihirapan din ang pinsan mo na ilipat ang titulo sa pangalan niya.

Sa ngayon ang dapat ninyong gawin ay magpadala ka ng demand letter para igiit na mabayaran ng buo ang napagkasunduan upang makumpleto rin ninyo ang pagpapalipat sa pangalan niya.

Kakailanganin na pumirma rin ang iyong kapatid at lahat ng tagapagmana ng iyong tatay sa Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Sale. Ilagay mo sa sulat na kapag hindi niya binayaran ang napag-usapang halaga ay ipapawalang bisa ninyo ang Deed of Sale na napirmahan ninyo dahil sa hindi nila pagtupad sa kasunduan.

Kapag hindi pa rin sila tumupad sa usapan ay magtungo kayo sa barangay kung magkabarangay kayo upang ireklamo ang hindi nila pagbayad ng tama.

Kung hindi naman kayo magkakasundo ay kakaila-nganin ninyo nang dumulog sa korte upang sampahan siya ng kaso. Dalawang remedyo ang maaari mong gawin: a) ipapatupad sa pinsan ang napagkasunduan kung saan kikilalanin naman ng kapatid mo ang bentahan o kaya b) ipawalang bisa ang Deed of Sale (rescission of contract with prayer for damages) na may kasamang paghingi ng danyos o damages dahil sa maling ginawa ng pinsan mo.

Dahil sa hindi pirmado ang isang taga-pagmana (kapatid mo) ay mas madaling mapapawalang bisa ang Deed of Sale.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.