Abante Tonite Interactive

Gummy, Jo Jung Suk ikinasal na

512

tonite-annyeong-rose-garcia

Hindi na nakapaghintay ang South Korean singer na si Gummy at South Korean actor na si Jo Jung Suk ng mismong araw ng kanilang kasal. Nang ianunsiyo nina Gummy at Jung Suk ang plano nilang pagpapakasal, hindi sila nagbigay ng saktong date ma­liban sa “fall o autumn” nila planong idaos ang kanilang kasal.

Pero kahapon, lumabas ang balita sa ilang Korean news site tulad ng soompi.com na kinasal na ang dalawa kahapon din, October 8 sa pamamagitan ng isang “promise ceremony” na dinaluhan lamang ng parehong miyembro ng kanilang pamilya.

Sa pagkakataong ‘yun ay matatawag na nga bilang “husband and wife” sina Gummy at Jo Jung Suk.

Hanggang sa November pumapatak ang fall/autum season sa Korea. Posibleng anytime soon na rin ang plano nilang private wedding ceremony kunsaan, dadaluhan na ito hindi lamang ng kanilang mga pamilya kung hindi ma­ging ng kanilang mga kaibigan at ilang malalapit na katrabaho.

Ang label ni Gummy na C-JeS Entertainment ang nagbalita nang naganap na promise ceremony. Ayon sa mga ito, “The two have vowed to respect and care for each other throughout their lives and to be together in joy and sorrow. We would like to thank many of you for your sincere congratulations, and they will greet fans with good productions and music in their respective places. Please give them warm encouragement and blessings on this path where the two walk together.”

Isa sina Gummy at Jo Jung Suk sa inaasahan na rin na mauuwi sa kasalan ang relasyon. Limang taon na silang may relasyon bago pa man sila na-engage at nagdesiyong magpakasal.

Nag-post din ng pasasalamat sa kanyang Instagram account si Gummy sa mga nagko-congratulate sa kanilang dalawa.

Aniya, “Thank you for congratulating us! We will respect and care for each other throughout our lives. I’ll come back with great music!”

Among Jung Suk drama, ang pagiging first lead niya sa K-drama na “The King 2 Hearts” ang isa sa mga ginawa niya na una siyang napansin. This year ay natapos niya ang “Two Cops”.

Ang latest single naman ni Gummy na ni-released digitally this year ay ang “Jealousy” at “Fade Away.”