Abante Tonite Interactive

Gummy tumangging kumanta sa K-drama ng asawa

307

Ibang klase talaga ang professionalism ng mga South Korean star. Madalas sa kanila, talagang umiiwas na mahaluan ng anumang personal na relasyon o koneksiyon ang trabaho nila.

Isa na rito ang singer o kilala rin bilang K-drama O.S.T na si Gummy.

Talaga palang iniiwasan ni Gummy na kumanta ng theme song para sa mga K-drama ng asawang aktor na si Jo Jung Suk.

Inamin ito ng singer nang mag-guest siya noong May 2 sa Cool FM radio show ng KBS na Moon Hee Jun’s Music Show.

May nagtanong kasi na listener kung may posibilidad daw ba na marinig ang boses niya as OST sa mga drama ni Jo Jung Suk. Ang sagot ni Gummy, there were offers talaga pero tinatanggihan daw niya.

“There were several opportunities for me to sing an OST for a work that Jo Jung Suk was appearing in. However, I turned them down so that the viewers could concentrate on the drama.

“I think that’s better,” saad ni Gummy.

Dahil sa naging rebelasyon niyang ito, mas marami ang humanga sa ipinakitang professiona-lism ni Gummy.

Hindi nga naman maiiwasan na pag-uusapan kahit paano ang pagkanta niya ng OST sa drama ng asawa. For sure ay maraming komento ang mga netizens tungkol dito especially ang mga fan nila. Puwede nga naman itong makaapekto lalo na kung may leading lady rin sa drama si Jo Jung Suk.

Sa totoo lang, napakarami ng nagawang OST ni Gummy ng mga kilalang k-drama tulad ng You Are My Everything ng Descendants of the Sun, Moonlight Drawn by Clouds of Love in the Moonlight, Snowflake ng That Winter The Wind Blows at marami pang iba.

Sa mga hindi nakakaalam, limang taong dating sina Gummy at Jo Jung Suk bago sila nagpakasal noong October 2018.