Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gun runner napuruhan, pulis nabaril sa operasyon

0 57

Nasawi ang isang gun runner habang sugatan ang isa sa tauhan ng Manila Police District (MPD) sa gun buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat, nasawi sa engkuwentro ang target ng buy-bust na si Jaworski Pajo alyas Jawo, 31, ng Sta. Ana, Maynila habang pinaghahanap ang kasama nitong si alyas “Mark”.

Ginagamot naman sa Sta. Ana Hospital si PCapt Jervies C. Soriano, 29, nakatalaga bilang hepe ng operations team ng District Special Operations Unit matapos mabaril sa kanang tuhod.

Ayon kay PSMS Jansen Rey San Pedro, ng MPD- homicide section, alas-11:00 ng gabi nang ikasa ang gun buy-bust sa Crisolita St., sakop ng Barangay 767 Zone 63, Sta. Ana sa pamumuno ni PMajor Cicero Pura.

Nagawang makabili ng poseur-buyer sa tulong ng isang confidential informant ng baril mula sa suspek subalit bago pa umano ibigay ang baril ay nakahalata na pulis ang katransaksyon.

Sa halip na ibigay ang baril, pinutok ito ni Jawo sa nagpanggap na buyer na si P/Corp. Jan Erwin Isaac na nakailag.

Sa palitan ng putok ay napuruhan si Jawo at nasapol din sa tuhod si Capt. Soriano. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.