Abante Tonite Interactive

Gurang na female singer, super-deny sa lovelife

97

FEMALE singer na wrangler, Denial Queen sa larangan ng pag-ibig!

Kung kapanahunan niya ang pag-uusapan, maluluma ang ma­ngangahas na sumabay sa kanya.

Hits after hits after hits ang songs niya na kilalang-kilala pa hanggang ngayon at madalas pa ring panlaban sa mga singing contest.

Pinasok niya rin ang pag-aartista ka­tambal ang supersikat na actor noon na nasa pulitika until now.

Kung paseksihan ang usapan, lalaban siya ng pukpukan.
Seksing-sexy noon si lola. Mataray ang vital statistics.

Pero noon ‘yun. Ngayon, ibang-iba na!
Kahit nagpaayos pa siya ng buong fez at botox kung botox, halatang lola na siya.

Sa isang concert, panalo pa rin ang The Voice niya kahit hirap na siyang bumirit at minsan, napo-forget na niya ang ly­rics kaya kino-co­medy na lang niya.

Doon nainlabey ang present jowa niya na matagal na siyang Phil Collins (as in feel, gusto).
Biyudo si lalaki. Hindi nalalayo ang edad nila ng nililiyag na female singer.

Niligawan ni lolo si female singer hanggang naging magkarelasyon sila.
Pero tuwing may nagtatanong kay female singer, idine-deny niya ang kulakudidang.

OK lang iyon kay lolo. Ang importante kay lolo, nagmamahalan sila. Alam niya ang totoo.
Sabi ng mga kumare ni female singer, kung maka-deny si lola singer eh parang dalaga na namumukadkad pa lang.

As if ngayon pa lang humahalimuyak ang kanyang pagkababae.

Buti nga, may nagmahal pa sa kanya kahit masyonda na siya at puro split ends na ang dry niyang hair!

“We’re just friends,” ang sey ng masyondang female singer sa mga nag-uusisa tungkol sa kanyang lovelife.