Abante Tonite Interactive

Gurang na mang-aawit, inangkin ang concert na front act lang siya

141

IN fairness kay female singer, napapanood pa siya sa mga teleserye. Madalas na kasambahay ang role niya. Pangmatagalan.

Kaya kinaiinggitan si manang ng ka-contemporaries niya.

May nag-emote na buti pa siya, kahit ganu’n ang karakas niya, non-stop siya sa work.

Maga­ling din naman kasi si manang sa akting pero mas feel pa rin niya ang singing.

Kahit cheapie-cheapie bang-bang na bars, kapag in-invite siya na kumanta, gorabels si singer/comedienne.

Eh ano kung hinahapo siya at hindi na makalakad nang diretso? Keber!

Kasi nga, first love niya ang pag-sing galing na mataas na mataas.

Sa isang concert sa lalawigan, si manang ang front act. Kahit barya-barya ang payables sa kanya, waaah siya care.

Show ‘yun ni singer/actress na magaling kaya expected na ng mga bumili ng tickets na fabulous ang konsiyerto.

Jampacked ang venue. Tuwang-tuwa si oldies singer.

Siney niya sa sarili, “This is it, pansit! Gagalingan ko ang pagkanta para hindi ako mapahiya at kunin ulit ng produ!”

Bago magsimula ang show, chinika si manang ng directed by na 3 songs lang si manang at wah na masyadong chika.

Dapat, after 15 mi­nutes, ini-intro niya na si singer/actress.

Aba! Aba! Aba!

Isang oras na si wrangler singer sa stage, hindi pa niya tinatawag ang truli­ling magko-concert.

Super-tili na ang floor director at sinesenyasan si lola na TAMA na, AWAT na… i-intro na ang totoong singer na bumubula na ang bibig sa galit.

Pero ang impo natin, humirit pa ng 15 minutes.

Nagmaldita na si singer at chumikang sabihin kay oldies na tumigil na or else, magwo-walk out siya!

Hindi na hinintay ni singer/actress ang intro sa kanya, dumiretso siya sa stage at sinabihan si lola na tapos na siya.

Ending… kalahati na lang ang ang ibinayad sa pasaway na singer/comedienne at pinauwi agad-agad.