Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guro, estudyante sa Maynila may tablet, laptop

0 188

Sisimulan na ni Manila Mayor Isko Moreno sa susunod na linggo ang pagdi-deliver ng mga tablet at laptop na gagamitin ng mga guro at mga estudyante sa lahat ng pampublikong paaralan na gagamitin sa blended at distant learning sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Kasama sa package ang pocket wifi para sa teacher at SIM card loaded na may kargang 10GB data na alokasyon kada buwan sa mga estudyante.

SM food to go Banner Ad

Naglaan umano ang Maynila local government ng P900 milyon para ipambili ng 110,000 tablet at 10,000 laptop para magamit ng mga pampublikong estudyante mula kindergarten hanggang grade 12 at mga guro.

Nilinaw naman ang mga device na pag-aari ng lokal na pamahalaan ay kailangang ibalik sa sandaling matapos na ang mga estudyante na gamitin at para mapakinabangan naman ng iba. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.