Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Guro tigok sa pamamaril

0 103

Yumao ang isang guro matapos pagbabarilin habang nakaangkas sa motorsiklo ng kanyang pinsan sa Sariaya, Quezon, Lunes ng hapon.

Wala nang buhay at nakabulagta sa kalsada nang datnan ng mga pulis ang biktimang si Marilou Lagaya, 48-anyos, residente ng Barangay Montecillo, Sariaya.

May mga tama siya ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report ng Sariaya Police, dakong alas-3:40 ng hapon nakaang­kas ang biktima sa motorsiklong mina­maneho ng kanyang pinsang si Maricel Gutierrez Surquia galing sa kanyang eskuwelahan sa Barangay Manggalang 1 nang siya ay pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek na agad niyang ikinamatay.

Narekober mula sa crime scene ang pitong basyo ng kalibre. 45 na baril.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa ambush at pagkakakilanlan ng suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.