Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gusali ng Immigration 2-araw hinilamusan

0 256

Isinara ng Bureau of Immigration (BI) ang pangunahing tanggapan nito sa Intramuros, Manila nitong Lunes at Martes upang bigyan daan ang pagdidisimpekta ng gusali sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID sa Metro Manila.

Sa isang advisory, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang mga transaksyon sa pangunahing tanggapan ng ahensya ay pansamantalang nasuspinde sa loob ng dalawang araw nang iutos nito ang isang “thorough sanitation and disinfection” sa buong gusali at buong paligid nito.

Inatasan din ang mga opisyal at empleyado ng BI na manatili sa bahay, kahit na may skeletal force ng personnel ang naka-duty na magmamando ng ahensiya sa loob ng 24/7 na magbibigay ng critical support services pati na rin ang pagbibigay seguridad. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.