Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gusali ng Jamilcres sa QC binulabog ng ‘bomb threat’

0 239

Nabulabog ang mga empleyado ng Jamilcres Incorporated nang makatanggap ng text message na sasabog sa loob ng 48-oras ang kanilang gusali sa Quezon City.

Sa report, alas-7: 54 ng gabi nitong January 31, nang makatanggap ng report ang Explosive Ordinance Disposal Unit at Canine Unit ng Quezon City Police District na may bomb threat umano sa Jamilcres Incorporated sa No. 102 Tandang Sora Avenue, Pasong Tamo sa lungsod.

Nakatanggap umano ang kumpanya ng text message mula sa cellphone no. 09953914928 at sinasabing napapaligiran ang gusali nito ng mga ‘sophisticated explosive device’ at sa isang iglap ay guguho.

Nakasaad din sa text message na kailangang mag-transfer ang may-ari ng kumpanya ng halagang $25K USD sa kanilang ‘bitcoin wallet’ bago ang 48-oras at kung hindi ay sasabog ang buong building.

“You can buy bitcoin/BTC from cex.io, coinbase.com or Google how to buy bitcoin and contact me through fionaloh888@protonmail.com, for payment address. Do not dare to near the building, if funds are not receive after 48 hours. Our eye is on the building,” babala pa sa mensahe.

Agad namang nagsagawa ng ‘panelling’ ang mga awtoridad sa buong gusali pero walang natagpuang bomba kaya idineklara nang ligtas ang kumpanya. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.