Abante Tonite Interactive

Gusot ni Kisses inayos ng bagong management

760

To the rescue ang bagong management ng aktres at former PBB housemate na si Kisses Delavin. Kamakailan ay binalita ang paglipat ni Kisses sa bagong management at network.

Hindi pa man nasisimulan ang mga magiging proyekto niya sa Triple A Management ay may gusot na silang aayusin sa bagong alaga. Ito ay ang problema ni Kisses sa dating condo unit na inuupahan nila sa anak ni Lorna Tolentino na si Rap Fernandez.

Nag-post si Lolit Solis sa kanyang IG account ang obligasyon ng mga Delavin na hindi pa umano natatapos. Pumutok kasi ang valve ng tubig sa condo unit na siyang naging dahilan ng pagkasira ng elevator sa Imperial suites.

Nilinaw naman ito ng isa pang batikang manunulat na si Ricky Lo sa kanyang Instagram account na naka-delete na. Miscommunication lamang ang nangyari at hindi tumalbog ang tseke.

Dahil sa biglaang pag-alis ng Delavin sa unit ay hiningi nila ang 2 natitirang post-dated checks para sa buwan ng November at December, subalit hindi kaagad naibigay ang tseke.

Paliwanag pa ni Ricky Lo, “Carrie (ina ng young actress), ask the bank na ipa-stop payment, di na bale yung pang-October na icash na.”

Para maayos ang hindi pagkakaintindihan tungkol dito, pumagitna na ang bagong manager ni Kisses na si Rams David. Kasama si Carrie ay pagmi-meetingan nila ang usapin sa condo. (Rona Ronda)