Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gusot sa POC hindi pa tapos

0 211

HINDI pa tapos ang tunggalian sa liderato at nahahati pa rin ang Philippine Olympic Committee (POC).

Ito ang muling nalantad sa isinagawang POC Executive Board meeting matapos na masopla nitong Biyernes ang plano sa pribadong sports agency na maisagawa ang lahat ng ninanais na pagbabago at reporma sa asosayson sa pinagdebatehan nito na mga Constitutional Amendments.

Ibinasura ng mayorya ng POC Executive Board sa isinagawa nitong special meeting ang lahat ng mga panukalang pagbabago sa Constitution and By-Laws na nagpanatili sa asosasyon na muling sundin ang kasalukuyan nitong mga polisiya.

Sinabi ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na hindi maipapatupad ang naisin na pagbawalan ang mga opsiyal na may edad 70 pataas na tumakbo para sa elective positions sa Board dahil hindi naabot ang kailangan na two-thirds vote, o siyam sa kabuuang 13 para makapasa.

“We’re back in the old ways,” sabi ni Tolentino matapos ang online meeting na inabot ng limang oras.

“I appealed to all to act as one and not as protagonists in a political encounter. Unfortunately, reforms were blocked using the tyranny of numbers. Since we could not come to an agreement, the constitution stays as is.”

Pinatutungkulan ni Tolentino ang samahan na tinagurian nitong “The Group of Seven” na kinabibilangan nina POC chairman Steve Hontiveros, first vice president Jose Romasanta, second VP Jeff Tamayo, treasurer Julian Camacho, auditor Jonne Go at director na sina Clint Aranas at Robert Mananquil. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.