Abante Tonite Interactive

Gusto ko ring magpakasal

338

Congratulations and best wishes sa newly wed na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Mabait sa akin si Mommy Divine at ganon din naman si Sarah, pero napapanahon na para harapin naman ni Sarah ang pagkakaroon ng sarili niyang buhay.

Walang question sa pagmamahal ni Mommy Divine at sa proteksyon na ninanais niya para kay Sarah, pero hindi na bata pa ang anak niya para forever itong nasa pi­ling niya.

Ako, hinigpitan rin naman ako ng nanay ko nong dalaga pa ako. Fifteen ako nong magkaroon ng boyfriend.

Pero sa bahay ako nagpapaligaw at hindi sa kal­ye, dahil ‘yon ang bilin sa akin ng mommy ko.

Chossy si Mommy sa mga lumiligaw sa akin. Mapamahiin kasi. Pag may nakita siyang nunal o kung anuman sa kanyang paniniwala, negative na kaagad ang tingin niya sa manliligaw ko, lalo na kapag ang nunal nito ay nasa tuluan nang luha.

Baka raw kasi mabyu­da agad ako o dumanas nang hirap at pasakit.

Hindi naman talaga mahigpit ang nanay ko. Kasi nong na-inlove ako at nagka-boyfriend wala rin naman siyang magawa dahil desisyon ko ‘yon.

Eighteen years old ako nong humiwalay na ang maging independent. Hindi dahil sa boyfriend o lovelife kundi dahil sa pagpapa-sexy ko sa showbiz na tinutulan niya.

Gusto niya akong patigilin pero ipinaglaban ko ang pagnanais kong ma­ging aktres, kaya umupa ako ng condo.

Kahit wala na ako sa poder ni mommy, dumadalaw-dalaw pa rin ako sa kanya at sa mga kapa­tid ko.

Later on natanggap rin naman niya na passion at pangarap ko ang pag-aartista.

Minsan kailangan mong tumayo sa sariling paa at humiwalay sa mga magulang para sa growth mo bilang tao.

Natuto akong ma­ging responsible. Natutunan kong humawak ng pera, gumastos ng tama at paghandaan ang aking kinabukasan.

‘Yong ibang kakilala ko na natali sa kanilang mga magulang, hindi na nila alam kung paano sila magsisimula nang mamatay ang kanilang mga parent.
Nasa 30s ako nang magbuntis at manganak, isang estado na handang-handa na ako sa panibagong responsiblidad.

Kahit gustuhin kong magpakasal, wala namang nagyaya kaya hindi puwede. Pero ok lang kasi marami pa akong gustong gawin para sa sarili ko at sa negosyo ko.

Kung ano ako nga­yon, ‘yon dahil sa pangaral nang mommy ko at sa determinasyon kong maging res­ponsible.